Please join My Reflections' Facebook Group

Thursday, March 11, 2021

Ang Mabuting Balita para sa Marso 12 Biyernes sa Ikatlong Linggo ng Kuwaresma: Marcos 12:28-34


Mabuting Balita: Marcos 12:28-34
28 May isang guro ng Batas na na­ka­­rinig sa pagtatalo ni Jesus at ng mga Sadduseo. Nang mapansin niyang tama ang sagot ni Jesus sa mga Sadduseo, lumapit siya at nagta­nong kay Jesus: “Ano ang una sa lahat ng utos?” 

29 Sumagot si Jesus na “Ito ang una: Makinig nawa, O Israel! Iisa lang ang Panginoong ating Diyos. 30 At mamahalin mo ang Panginoon mong Diyos nang buo mong puso, nang buo mong kalu­luwa, nang buo mong pag-iisip at nang buo mong lakas. 31At pangalawa naman ito: Mamahalin mo ang iyong kapwa gaya ng iyong sarili. Wala nang utos na mas mahalaga pa kaysa mga ito.”  

32 Kaya sinabi ng guro ng Batas: “Mabuti, Guro, totoo ang sinabi mong isa Siya at wala na maliban sa kanya. 33 At ang mahalin siya nang buong puso at nang buong kaluluwa at nang buong lakas, at mahalin din ang kapwa gaya ng sarili ay mas mahalaga kaysa mga sinu­nog na handog at mga alay.” 

34 Nakita ni Jesus na tama ang sinabi nito kaya sinabi niya: “Hindi ka malayo sa kaharian ng Diyos.” At wala nang nanga­has magtanong sa kanya.

No comments:

Post a Comment