Please join My Reflections' Facebook Group

Thursday, March 11, 2021

Ang Mabuting Balita para sa Marso 11 Huwebes sa Ikatlong Linggo ng Kuwaresma: Lucas 11:14-23


Mabuting Balita: Lucas 11:14-23
Noong panahong iyon 14 Minsa’y nagpapalayas si Jesus ng isang demonyo at ito’y pipi. Nang luma­bas na ang demonyo, nakapagsa­lita ang pipi at namangha ang mga tao. 15 Ngunit sinabi ng ilan sa kanila: “Pinalalayas niya ang mga ito sa tulong ni Beelzebul na pinuno ng mga demonyo.” 16 Gusto naman ng iba na subukin si Jesus at humi­ngi sila sa kanya ng isang tanda galing sa langit.  

17 Alam ni Jesus ang kanilang iniisip kaya sinabi niya sa kanila: “Mabu­buwag ang bawat kahariang nagka­kahati-hati at magigiba roon ang mga samba­hayan. 18 Ngayon, kung nagkakahati-hati si Sa­tanas, paano mag­ta­tagal ang kanyang kaharian? Di nga ba’t sinasabi ninyo na nagpapalayas ako ng mga de­monyo sa tulong ni Beelzebul? 19 Kung sa pamamagitan ni Beelzebul ako nag­pa­palayas ng mga demonyo, paano na­man napalalayas ng inyong mga ka­anib ang mga ito? Sila mismo ang nara­rapat sumagot sa inyo. 

20 Sa daliri ng Diyos ako nagpapa­layas ng mga demonyo kaya sumapit na sa inyo ang kaharian ng Diyos. 21 Kung sandatahang binabantayan ni Malakas ang kanyang palasyo, hindi magagam­bala ang kanyang mga pag-aari. 22 Pero kung salakayin siya ng mas makapang­yarihan sa kanya at talunin siya, maa­agaw nito ang kanyang mga armas na kanyang inasahan at ipamamahagi ang kanyang mga ari-arian. 

• 23Ang hindi panig sa akin ay laban sa akin, at ang hindi nagtitipong kasama ko ay nagpapangalat.

No comments:

Post a Comment