Please join My Reflections' Facebook Group

Sunday, March 14, 2021

Ang Mabuting Balita para sa Linggo Marso 14, Ikaapat na Linggo ng Kuwaresma: Juan 3:14-21


Mabuting Balita: 
Juan 3:14-21
Noong panahong iyon sinabi ni Jesus kay Nicodemo kung paanong itinaas ni Moises ang ahas sa disyerto, gayundin dapat itaas ang Anak ng Tao 15 upang mag­karoon ng buhay magpakailanman ang bawat nananalig sa kanya. Ganito nga kamahal ng Diyos ang mundo! Kayat ibinigay niya ang kanyang bugtong na anak upang hindi na ma­wala ang bawat nananalig sa kanya kundi magkaroon ng buhay magpa­kailanman. 

Hindi nga sinugo ng Diyos sa mundo ang Anak upang hukuman ang mundo kundi upang maligtas ang mundo sa pamamagitan niya. 18 Hindi hinuhukuman ang nananalig sa kanya. Ngunit hinu-kuman na ang hindi nana­nalig pagkat hindi siya nananalig sa Ngalan ng bugtong na Anak ng Diyos.  

Ito ang paghuhukom: dumating sa mundo ang liwanag pero mas minahal pa ng mga tao ang karimlan kaysa liwanag sapagkat masasama ang kanilang gawa. 20 Ang gumagawa ng masama’y napopoot nga sa liwanag at hindi lumalapit sa liwanag, at baka malantad ang kanyang mga gawa. 21 Lumalapit naman sa liwanag ang gumagawa ng katotohanan upang mabunyag na sa Diyos ginagawa ang kanyang mga gawa. 

No comments:

Post a Comment