16 At sinabi niya sa mga nagtitinda ng mga kalapati: “Alisin n’yo ang mga ito! Huwag n’yong gawing palengke ang Bahay ng aking Ama.” 17 Naalaala ng kanyang mga alagad na nasusulat: “Tinutupok ako ng malasakit sa iyong Bahay.” 18 Kaya sumagot ang mga Judio: “Anong tanda ang maipapakita mo sa amin at ginagawa mo ito?” 19 Sinagot sila ni Jesus: “Gibain n’yo ang templong ito, at ibabangon ko ito sa tatlong araw.”
20 Sinabi naman ng mga Judio: “Apat-napu’t anim na taon nang itinatayo ang templong ito, at ibabangon mo ito sa tatlong araw?” 21 Ngunit and templong katawan niya ang kanyang tinutukoy. 22 Nang ibangon siya mula sa mga patay, naalaala ng kanyang mga alagad ang sinabi niyang ito. Kaya naniwala sila sa Kasulatan at sa salitang sinabi ni Jesus.
23 Nang
nasa Jerusalem siya sa Piyesta ng Paskuwa, maraming nanalig sa kanyang Pangalan
nang mapansin nila ang mga tandang ginagawa niya. 24 Ngunit hindi naman nagtiwala si Jesus sa kanila dahil
kilala niya ang lahat. 25 Hindi
niya kailangang may magpatunay tungkol sa isang tao dahil alam niya mismo kung
ano nga ang nasa tao.
No comments:
Post a Comment