Please join My Reflections' Facebook Group

Monday, February 01, 2021

Ang Mabuting Balita para sa Pebrero 2 Martes Ang Pagdadala kay Jesus sa Templo (Kapistahan): Lucas 2:22-40


Mabuting Balita: Lucas 2:22-40
22 Nang dumating na ang araw ng paglilinis nila ayon sa Batas ni Moises, dinala ang sanggol na si Jesus sa Jerusalem para iharap sa Panginoon – 23 tulad ng nasu­sulat sa Batas ng Panginoon: Lahat ng panganay na lalaki ay ituturing na banal para sa Panginoon. 24 Dapat din silang mag-alay ng sakripisyo tulad ng binabanggit sa Batas ng Panginoon: isang pares na batubato o dalawang inakay na kalapati.  

25 Ngayon, sa Jerusalem ay may isang taong nagngangalang Simeon; totoong matuwid at makadiyos ang taong iyon. Hinihintay niya ang pagpapaginhawa ng Panginoon sa Israel at sumasakanya ang Espiritu Santo. 26 Ipinaalam naman sa kanya ng Espi­ritu Santo na hindi siya mamamatay hangga’t hindi niya naki­kita ang Mesiyas ng Pangi­noon. 27 Kaya pumunta siya ngayon sa Templo sa pag­tutulak ng Espiritu, nang dalhin ng mga magulang ang batang si Jesus para tu­parin ang kaugaliang naa­ayon sa Batas tungkol sa kanya.  

28 Kinalong siya ni Simeon sa kanyang mga braso at pinuri ang Diyos, at sinabi: 29 “Mapayayaon mo na ang iyong utusan, Panginoon, nang may kapayapaan ayon na rin sa iyong wika; 30 pagkat nakita na ng aking mga mata ang iyong pagliligtas 31 na inihanda mo sa paningin ng lahat ng bansa, 32 ang liwanag na ibubunyag mo sa mga bansang pagano at ang luwalhati ng iyong bayang Israel.”  

33 Nagtataka ang ama at ina ng bata sa mga sinasabi tungkol sa kanya. 34 Pinag­pala naman sila ni Simeon at sinabi kay Mariang ina ng bata: “Dahil sa kanya, ba­bagsak o babangon ang mga Israelita at magiging tanda siya sa harap nila at ka­nilang sasalungatin. 35 Kaya mahaha­yag ang lihim na pag-iisip ng mga tao. Ngu­nit paglalagusan naman ng isang pun­yal ang puso mo.”  

36 May isa ring babaeng propeta, si Ana na anak ni Panuel na mula sa tribu ng Aser. Matandang-matanda na siya. Pag­kaalis sa bahay ng kanyang ama, pitong taon lamang silang nagsama ng kanyang asawa, 37 at nagbuhay-biyuda na siya at hindi siya umaalis sa Templo.  

Araw-gabi siyang sumasamba sa Diyos sa pag-aayuno at pana­nalangin. Wa­lum­pu’t apat na taon na siya. 38 Sa pag-akyat niya sa sandaling iyon, nagpuri rin siya sa Diyos at nag­pa­hayag tungkol sa bata sa lahat ng naghihintay sa katubusan ng Jeru­salem.  

39 Nang matupad na ang lahat ng ayon sa Batas ng Panginoon, umuwi sila sa kanilang bayan, sa Nazaret sa Galilea. 40 Lumalaki at lumalakas ang bata; napus­pos siya ng karunungan at sumasakanya ang kagandahang-loob ng Diyos.

No comments:

Post a Comment