Please join My Reflections' Facebook Group

Saturday, January 9, 2021

Ang Mabuting Balita para sa Linggo Enero 10, Ang Pagbibinyag sa Panginoon (Kapistahan): Marcos 1:7-11


Mabuting Balita: Marcos 1:7-11
7 Ito ang sinabi ni Juan Bautista sa kanyang panga­ngaral: “Parating na kasunod ko ang gagawa nang higit pa sa akin. Hindi nga ako karapat-dapat yumuko para magkalag ng tali ng kanyang panya­pak. 8 Sa tubig ko kayo binin­yagan, at sa Espiritu Santo naman niya kayo bibin­yagan.” 

9 Nang panahong iyon, dumating si Jesus mula sa Nazaret ng Galilea at binin­yagan siya ni Juan sa Ilog Jordan. 10 At pagkaahon niya mula sa tubig, nakita niyang nahawi ang langit at parang kalapating bumababa sa kanya ang Espi­ritu ng Diyos. 11 At narinig mula sa langit: “Ikaw ang aking Anak, ang Minamahal, ikaw ang aking Hinirang.”

No comments:

Post a Comment