Please join My Reflections' Facebook Group

Monday, January 04, 2021

Ang Mabuting Balita para sa Enero 5, Martes; pagkaraan ng Epifania: Marcos 6:34-44


Mabuting Balita: Marcos 6:34-44
34 Pagdating ni Jesus sa pampang, nakita niya ang maraming taong nag­kakatipon doon at naawa siya sa kanila sapagkat para silang mga tupang wa­lang pastol. At nagsimula siyang mag­turo sa kanila nang matagal.  35 Nang humahapon na, lumapit sa kanya ang mga alagad at sinabi: “Nasa ilang na lugar tayo at lampas na ang oras.” 36 Pa­alisin mo sila nang maka­­punta sila sa mga nayon at bukid sa paligid at makabili ng kani-kanilang makakain.” 

37 Ngunit sumagot si Jesus sa kanila: “Kayo ang magbigay sa kanila ng maka­­kain.” Sinabi naman nila: “At kami pa pala ang bibili ng tinapay – dala­wandaang denaryo, di ba? At bibigyan na­min sila.” 38 Ngunit sinabi niya: “Ilang tinapay meron kayo? Sige, tingnan ninyo.” At pagka­tingin nila ay kanilang sinabi: “Lima at may dalawa pang isda.” 

39 Kaya iniutos niya sa kanila na pa­upuin nang grupu-grupo ang ma-ka­pal na tao sa berdeng damuhan. 40 At naupo silang grupu-grupo, tigsasandaan at tiglilimampu. 41 Ki­nuha niya ang limang tinapay at dalawang isda, tumi­ngala sa langit, nagpuri, hinati ang mga tinapay at ibinigay sa kanyang mga alagad para ibigay din nila sa mga tao. Gayun­din naman, hinati niya ang dalawang isda. 42 At kumain silang lahat at nabusog, 43 at inipon nila ang mga natirang pira-piraso – labindalawang punong basket ang mga piraso ng tinapay pati na ang mga piraso ng isda. 44 Mga limanlibong lalaki ang napakain.

No comments:

Post a Comment