21 Sinabi ni Jesus sa mga tao:
“Dumarating ba ang ilaw para takpan ng salop o para ilagay sa ilalim ng higaan?
Hindi! Inilalagay ito sa patungan! 22 Walang nalilihim na di nabubunyag
at walang tinatakpan na di malalantad. 23 Makinig ang may tainga!”
24 At sinabi niya sa kanila: “Isip-isipin ninyo ang inyong naririnig. Sa sukatang ginamit ninyo, susukatin ang para sa inyo at higit pa ang ibibigay sa inyo. 25 Bibigyan pa nga ang meron na ngunit ang wala ay aagawain pa ng anumang nasa kanya.”
No comments:
Post a Comment