Please join My Reflections' Facebook Group

Tuesday, January 12, 2021

Ang Mabuting Balita para sa Enero 13, Miyerkules sa Unang Linggo ng Taon: Marcos 1:29-39

 

Mabuting Balita: Marcos 1:29-39
29 Pagkaalis niya sa sinagoga, tumuloy si Jesus sa bahay nina Pedro at Andres, kasama sina Jaime at Juan. 30 Doo’y nakahiga ang biyenan ni Pedro at may lagnat, at agad nila itong sinabi kay Jesus. 31 Kaya lumapit siya, hinawakan ito sa kamay at ibinangon. Ini¬wan ng lagnat ang babae at ito mismo ang nag¬lingkod sa kanila.

32 Pagkalubog ng araw, nang dumi¬dilim na, dinala nila kay Jesus ang lahat ng maysakit o inaalihan ng masa¬sa¬mang espiritu. 33 Nasa may pintuan nga ang buong bayan. 34 Maraming may iba’t ibang sakit ang pinagaling ni ¬Jesus at mara¬ming demonyo ang kanyang pinalayas; ngunit hindi niya sila pina¬hintulutang magsalita sapagkat alam nila kung sino siya.

35 Kinabukasan, maaga siyang bu¬mangon at umalis. Pumunta siya sa isang ilang na lugar at doon siya nana¬langin. 36 Hinanap siya nina Pedro, 37 at pag¬ka¬kita sa kanya ay kanilang sinabi: “Hi¬na¬hanap ka ng lahat.” 38 Ngunit sinabi niya sa kanila: “Tayo na sa ibang lugar, sa maliliit na karatig-nayon para maka¬pangaral din ako roon; dahil dito kaya nga ako lumabas.”

39 At naglibot siyang nangangaral sa kanilang mga sinagoga sa buong Galilea at nagpapalayas ng mga demonyo.

No comments:

Post a Comment