Please join My Reflections' Facebook Group

Wednesday, December 09, 2020

Ang Mabuting Balita para sa Disyembre 10, Huwebes sa Ikalawang Linggo ng Adbiyento: Mateo 11:11-15


Mabuting Balita: Mateo 11:11-15
Sinabi ni Jesus sa mga tao 11 Talagang sinasabi ko sa inyo, walang sinuman sa mga kilalang tao ngayon ang mas dakila pa kay Juang tagapagbinyag, pero mas dakila sa kanya ang pinakamaliit sa kaharian ng Langit. 12 Mula sa pana­­hon ni Juan Bautista hanggang nga­yon, ang kaha­rian ng Langit ay kaila­ngang agawin, at ang mga buo ang loob ang umaagaw nito.  

13 Pagpopropesiya nga lamang ang panahon ng Mga Propeta at ng Batas hanggang kay Juan. 14 At kung gusto ninyo itong tanggapin, si Juan ang Elias na darating. 15 Makinig ang may tainga.

No comments:

Post a Comment