45 Pumasok si Jesus sa patyo ng Templo
at pinalayas ang mga nagtitinda, 46 at sinabi niya: “Nasusulat: ‘Magiging
bahay-dalanginan ang aking bahay,’ pero ginawa ninyong pugad ng mga
magnanakaw!”
47 Araw-araw na nangangaral si Jesus
sa Templo. Hangad siyang patayin ng mga punong-pari at mga guro ng Batas, kasa-ma
ang mga Matatanda ng bayan. 48 Ngunit wala silang magawa dahil taimtim
na nakikinig sa kanya ang buong bayan.
No comments:
Post a Comment