41 Nang malapit na siya at
kita na ang lunsod, iniyakan ito ni Jesus: 42 “Kung nalalaman mo lamang
sana sa araw na ito ang daan sa kapayapaan!
Ngunit ngayo’y hindi mo ito
nakikita. 43 Sasapit sa iyo ang mga araw na magkakampo sa paligid mo ang
iyong mga kaaway, kukubkubin ka at sisikilin sa lahat ng dako. 44 Iguguho
ka nila sa iyong mga anak, at walang iiwang magkapatong na bato sa iyo.
Sapagkat hindi mo nalaman ang panahon ni ang pagdalaw ng iyong Diyos.”
No comments:
Post a Comment