4 “Kung may sandaang tupa ang isa sa inyo at mawala ang isa sa mga ito, hindi ba niya iiwan ang siyamnapu’t siyam sa ilang para hanapin ang nawawala hanggang matagpuan niya ito? 5 At pag natagpuan ito’y masaya niya itong pinapasan sa balikat, 6 at pagdating sa bahay ay tatawagin niya ang mga kaibigan at mga kapitbahay at sasabihin sa kanila: ‘Matuwa kayong kasama ko sapagkat natagpuan ko na ang nawawala kong tupa.’ 7 Sinasabi ko sa inyo: magkakaroon din ng higit na kagalakan sa langit para sa isang makasalanang nagsisisi kaysa siyamnapu’t siyam na matuwid na di nangangailangan ng pagsisisi.
8 Kung may sampung baryang pilak ang isang babae at nawala ang isa
sa mga ito, hindi ba siya magsisindi ng ilaw, magwawalis sa bahay at hahanaping
mabuti hanggang matagpuan ito? 9 At pagkakita rito’y tatawagin ang mga
kaibigang babae at mga kapitbahay: ‘Matuwa kayong kasama ko sapagkat natagpuan
ko ang nawawala kong baryang pilak.’ Sinasabi ko sa inyo na ganito rin sa mga
anghel ng Diyos, magkakaroon ng kagalakan para sa isang makasalanang
nagsisisi.”
No comments:
Post a Comment