31 Nang sandaling iyo’y dumating ang ilang Pariseo at binalaan si
Jesus: “Umalis ka rito at pumunta sa ibang lugar. Gusto kang ipapatay ni
Herodes.” 32 Sinabi naman ni Jesus: “Puntahan ninyo ang musang na ’yon at
sabihin sa kanya: ‘Ngayon at bukas ay nagpapalayas ako ng mga demonyo at nagpapagaling
at nasa ikatlong araw ang katapusan ko.’ 33 Subalit dapat akong maglakad
ngayon, bukas at sa susunod na araw sapagkat hindi bagay na mamatay sa labas
ng Jerusalem ang isang propeta.
34 Jerusalem, Jerusalem! Pinapatay mo ang mga propeta at binabato
ang mga sinugo sa iyo. Gaano kadalas kong ginustong tipunin ang iyong mga anak
gaya ng pagyupyop ng inahin sa kanyang mga sisiw pero tumanggi ka nga.
35 Ngayon, iiwanan ang inyong Bahay. Sinasabi ko nga sa inyo na hindi na
ninyo ako makikita hanggang di sumasapit ang panahon na sabihin ninyo: Mapalad
ang dumarating sa ngalan ng Panginoon.”
No comments:
Post a Comment