Sinabi ni Jesus sa kanyang mga alagad 8 Sinasabi ko sa inyo:
sinumang kumilala sa akin sa harap ng mga tao ay kikilalanin din ng Anak ng
Tao sa harap ng mga anghel ng Diyos. 9 At ang ayaw kumilala sa akin sa
harap ng mga tao’y hindi rin kikilalanin sa harap ng mga anghel ng Diyos.
10 Ang sinumang magsalita laban sa Anak ng Tao ay mapapatawad,
ngunit ang sinumang lumait sa Espiritu Santo ay hindi mapapatawad.
11 Dalhin man nila kayo sa harap ng mga sinagoga at mga namumuno at mga
maykapangyarihan, huwag kayong mabalisa kung paano ninyo ipagtatanggol ang
sarili o kung ano ang inyong sasabihin. 12 Sapagkat ang Espiritu Santo
ang magtuturo sa inyo sa oras na iyon ng dapat na sabihin.”
No comments:
Post a Comment