2 Walang tinatakpan na di mabubunyag, walang natatago na di malalaman. 3 Kaya naman, ang sinabi ninyo sa dilim, sa liwanag maririnig; at ang ibinulong ninyo sa mga kuwarto, sa bubungan ipahahayag.
4 Sinasabi ko naman ito sa inyo na mga kaibigan ko: huwag ninyong katakutan ang mga nakapapatay sa katawan at wala nang magagawa pa. 5 Ituturo ko sa inyo kung sino ang dapat ninyong katakutan: matakot kayo sa may kapangyarihang pumatay at may kapangyarihan pang magbulid sa impiyerno.
Oo, sinasabi ko sa inyo, ito ang katakutan ninyo. 6 Di ba’t ipinagbibili
nang dalawang pera ang limang maya? Subalit isa man sa kanila’y di nalilimutan
ng Diyos. 7 Bilang na pati ang lahat ng buhok sa inyong ulo. Huwag kayong
matakot; mas mahalaga pa kayo kaysa maraming maya.
No comments:
Post a Comment