Sinabi ni Jesus, Sawimpalad kayong mga Pariseo! Nagbabayad nga kayo ng
ikapu ng yerbabuena at ng ruda at ng lahat ng gulay, at pinababayaan naman
ninyo ang katarungan at ang pag-ibig sa Diyos. Ito nga ang dapat gawin nang di
kinaliligtaan ang mga iyon. 43 Sawimpalad kayong mga Pariseo! Gusto
ninyong mabigyan ng pangunahing upuan sa mga sinagoga at mabati sa mga liwasan.
44 Sawimpalad kayo, na parang mga nakatagong libingan, na inaapakan ng
mga tao at di man lang nila namamalayan.”
45 Nagsalita ang isang guro ng Batas: “Guro, iniinsulto mo rin kami
sa pagsasabi mo ng mga ito.” 46 At sinabi ni Jesus: “Sawimpalad din kayong
mga guro ng Batas! Ipinapapasan ninyo sa mga tao ang mga napakabibigat na
pasanin, ngunit ni isang daliri ay ayaw ninyong igalaw para tulungan sila.
No comments:
Post a Comment