15 Umurong ang mga Pariseo at nagpulong
kung paano nila huhulihin si Jesus sa sarili niyang mga salita. 16 Kaya
ipinadala nila ang kanilang mga alagad kasama ng mga kampi kay
Herodes. Sinabi nila kay Jesus: “Guro, nalalaman namin na tapat kang tao
at tunay na nagtuturo ng daan ng Diyos; hindi ka napadadala sa iba at
nagsasa¬lita hindi ayon sa kalagayan ng tao. 17 Kaya ano ang palagay mo: ayon
ba sa Batas na magbayad ng buwis sa Cesar? Dapat ba tayong magbayad sa kanya o
hindi?”
18 Alam naman ni Jesus ang ma¬sama nilang pakay, at sinabi niya sa kanila: “Mga mapagkunwari! Bakit ninyo ako sinusubukan? 19 Ipakita ninyo sa akin ang perang pambuwis.” Ipinakita nila ang isang denaryo, 20 at sinabi sa kanila ni Jesus: “Sino ang naka¬larawan dito, na narito rin ang kanyang pangalan?” 21 Sumagot sila: “Ang Cesar.” At sinabi niya sa kanila: “Kung gayon, ibigay sa Cesar ang para sa Cesar, at sa Diyos ang para sa Diyos.”
No comments:
Post a Comment