18 Minsan, mag-isang nagdarasal si Jesus at naroon din ang mga
alagad. Tinanong niya sila: “Sino raw ako ayon sa sabi ng mga tao?”
19 Sumagot sila: “Si Juan Bautista raw; may iba namang nagsasabing ikaw
si Elias at may iba pang nagsasabi na isang propeta noong una ang nabuhay.”
20 At sinabi ni Jesus sa kanila: “Ano naman ang sinasabi ninyo kung sino ako?” Sumagot si Pedro: “Ang Mesiyas ng Diyos.” 21 At inutusan sila ni Jesus na huwag sabihin ito kaninuman. 22 Sinabi nga ni Jesus: “Kailangang magtiis ng marami ang Anak ng Tao. Itatakwil nga siya ng mga Matatanda ng bayan, ng mga punong-pari at ng mga guro ng Batas. Papatayin siya at muling babangon sa ikatlong araw.”
No comments:
Post a Comment