Please join My Reflections' Facebook Group

Sunday, September 06, 2020

Ang Mabuting Balita para sa Setyembre 8, Martes; Ang Pagsilang ng Mahal na Birheng Maria (Kapistahan): Mateo 1:1-16, 18-23


Mabuting Balita: Mateo 1:1-16, 18-23
1 Ito ang libro ng pinagmulan ni Jesu­cristo, anak ni David at anak ni Abraham. 2 Si Abraham ang ama ni Isaac, si Isaac ang ama ni Jacob, si Jacob ang ama ni Juda at ng kanyang mga kapatid. 3 Si Juda ang ama nina Parez at Zerah (si Tamar ang kanilang ina), si Parez ang ama ni Esron, at si Esron ni Aram. 4 Si Aram naman ang ama ni Aminadab, si Ami­­nadab ni Naason, si Naason ni Sal­mon.

5 Si Salmon ang ama ni Boaz, at si Rahab naman ang kanyang ina. Si Boaz ang ama ni Obed, si Ruth ang kanyang ina. Si Obed naman ang ama ni Jese. 6 Si Jese ang ama ni David na hari. Si David ang ama ni Solomon, at ang na­ging maybahay ni Urias ang kanyang ina.

7 Si Solomon ang ama ni Rehoboam na ama ni Abias, at sumunod naman ang mga haring sina Asa, 8 Yosafat, Yoram, Ocias, 9 Yoatan, Ahaz, Ezekias, 10 Mana­ses, Amon at Yosias. 11 Si Yosias ang ama ni Yekonias at ng kanyang mga kapatid, sa panahon ng pagkatapon sa Babilonia. 12 Pagkatapos naman ng pagkatapon sa Babilonia – si Yekonias ang ama ni Salatiel na ama ni Zorobabel.

13 Si Zorobabel ang ama ni Abiud, si Abiud ni Eliakim, at si Eliakim ni Azor. 14 Si Azor ang ama ni Sadok, si Sadok ni Akim, at si Akim ni Eliud. 15 Si Eliud ang ama ni Eleazar, si Eleazar ni Matan at si Matan ni Jacob. 16 Si Jacob ang ama ni Jose – ang asawa ni Maria na siyang pinagmulan ni Jesus na tinawag na Kristo.

18 Ganito ipinanganak si Jesucristo. Ipinag­kasundo na kay Jose ang kanyang inang si Maria pero bago sila nagsama bilang mag-asawa, nagdadalantao na siya gawa ng Espiritu Santo. 19 Kaya binalak ni Jose na hiwalayan nang lihim ang kanyang asawa. Matuwid nga siya at ayaw niya itong mapahiya.

20 Habang iniisip-isip niya ito, napa­kita sa kanya sa panaginip ang Anghel ng Panginoon at sinabi: “Jose, anak ni David, huwag kang matakot na tang­ga­pin si Maria bilang iyong asawa. Gawa ng Espi­ritu Santo kaya siya naglihi, 21 at ma­nga­nganak siya ng isang sanggol na lalaki, na panga­ngalanan mong Jesus sapagkat siya ang magliligtas sa kanyang samba­yanan mula sa kanilang mga kasa­lanan.”

22 Nangyari ang lahat ng ito para matu­pad ang sinabi ng Panginoon sa pamama­gitan ng Propeta: 23 “Maglilihi ang birhen at magsisilang ng isang sanggol na lalaki at tatawagin nila siyang Emmanuel na ibig sabihi’y Nasa-atin-ang-Diyos.”

No comments:

Post a Comment