Mabuting Balita: Mateo 14:22-33
22 Matapos pakainin ang mga taoagad
pinasakay ni Jesus sa bangka ang mga alagad at pinauna sa kabilang ibayo
habang pinaaalis niya ang mga tao. 23 At pagkaalis ng mga tao, mag-isa
siyang pumunta sa kaburulan para manalangin. Nag-iisa siya roon nang gumabi.
24 Samantala, malayo na sa lupa ang bangka, sinasalpok ng mga alon sapagkat
pasalungat ang hangin.
25 Nang madaling-araw na,
pinuntahan sila ni Jesus na naglalakad sa dagat. 26 Nang makita nila
siyang naglalakad sa dagat, natakot sila, at akala nila’y multo siya. Kaya
sumigaw sila. 27 Ngunit agad niyang sinabi sa kanila: “Lakasan ang loob!
Ako ito, huwag kayong matakot.” 28 Sumagot si Pedro: “Panginoon, kung ikaw
nga, papuntahin mo ako sa iyo na naglalakad sa tubig.”
29 At sinabi niya: “Halika.”
Bumaba naman sa bangka si Pedro at naglakad sa tubig papunta kay Jesus.
30 Ngunit natakot siya sa harap ng malakas na hangin at nagsimulang
lumubog. Kaya sumigaw siya: ”Panginoon, iligtas mo ako!” 31 Agad na
iniunat ni Jesus ang kanyang kamay at hinawakan siya, at sinabi: “Taong maliit
ang pananampalataya, bakit ka nag-alinlangan?”
32 Nang nakasakay na sila sa bangka,
tumigil ang hangin. 33 At yumuko sa harap ni Jesus ang mga nasa bangka at
sinabi: “Totoo ngang ikaw ang Anak ng Diyos!”
No comments:
Post a Comment