Mabuting Balita: Mateo 16:13-20
Pumunta si Jesus sa may bayan ng
Cesarea ng Filipos, tinanong niya ang kanyang mga alagad, "Ano ang
sinasabi ng mga tao patungkol sa Anak ng Tao?" At sumagot sila, "Ang
sabi po ng ilan kayo si Juan na Tagapagbautismo. Sabi po naman ng iba, kayo si
Elias. At may nagsasabi pong kayo si Jeremias, o isa sa mga propeta."
Tinanong ulit sila ni Jesus,
"Ngunit para sa inyo, sino ako?" Sumagot si Simon Pedro, "Kayo
po ang Cristo, ang Anak ng Diyos na buhay." Sinabi sa kanya ni Jesus,
"Mapalad ka, Simon na anak ni Jonas! Sapagkat ang katotohanang ito'y hindi
inihayag sa iyo ng sinumang tao kundi ng aking Ama na nasa langit.
At sinasabi ko sa iyo, ikaw ay Pedro,
at sa ibabaw ng batong ito ay itatayo ko ang aking iglesya at ang pintuan ng
daigdig ng mga patay ay hindi magtatagumpay laban sa kanya. Ibibigay ko sa iyo
ang mga susi ng kaharian ng langit. Ang ipagbawal mo sa lupa ay ipagbabawal sa
langit, at ang ipahintulot mo sa lupa ay ipahihintulot din sa langit."
At mahigpit niyang iniutos sa kanyang
mga alagad na huwag sabihin kaninuman na siya nga ang Cristo.
ano pong ibig ipakahulugan sa atin ng mabuting balitang iyan??
ReplyDelete