Mabuting
Balita: Mateo 16:24-28
24 Sinabi ni Jesus sa kanyang mga alagad: “Kung may ibig sumunod sa
akin, itakwil ang kanyang sarili at kunin ang kanyang krus para sumunod sa
akin. 25 Sapagkat ang naghahangad na magligtas ng kanyang sarili ang mawawalan
nito ngunit ang naghahangad na mawalan ng sarili alang-alang sa akin ang
makakatagpo nito. 26 Ano ang pakinabang ng tao tubuin man niya ang buong
daigdig kung sarili naman niya ang mawala? Ano ang maibibigay niya para mabawi
ito?
27 Darating nga ang Anak ng Tao taglay ang kaluwalhatian ng kanyang
Ama at kasama rin ang kanyang mga banal na anghel, at doon niya gagantimpalaan
ang bawat isa ayon sa kanyang mga gawa. 28 Totoong sinasabi ko sa inyo na
makikita ng ilan sa inyo ang Anak ng Tao na dumarating bilang Hari, bago sila
mamatay.”
No comments:
Post a Comment