Please join My Reflections' Facebook Group

Thursday, August 06, 2020

Ang Mabuting Balita para sa Agosto 6, Huwebes ang Pagliliwanag sa Bagong Anyo ng Panginoon (Kapistahan) : Mateo 17:1-9


Mabuting Balita: Mateo 17:1-9
Pagkaraan ng anim na araw, isinama ni Jesus sina Pedro, Jaime at ang kapatid nitong si Juan, at umakyat na sila lamang ang kasama sa isang mataas na bundok. Nagbago ang anyo ni Jesus sa harap nila: nag­ning­ning gaya ng araw ang kanyang mukha at kuminang na puting-puti ang kanyang damit gaya ng liwanag. At napa­kita sa kanila sina Moises at Elias na nakikipag-usap kay Jesus.

Kaya nagsalita si Pedro at sinabi niya: “Panginoon, mabuti at narito tayo. Kung gusto mo, gagawa ako ng tatlong kubol: isa para sa iyo, isa para kay Moises, at isa para kay Elias.” Nagsasalita pa si Pedro nang takpan sila ng isang makinang na ulap. At mula sa ulap ay narinig ang salitang ito: “Ito ang aking Anak, ang Mina­mahal, ang aking Hinirang; pakinggan ninyo siya.”

Nang marinig iyon ng mga alagad, napasubsob sila sa lupa, na takot na takot. Ngunit nilapitan sila ni Jesus at hinipo, at sinabi: “Tumayo kayo, huwag matakot.” At pagtingala nila, wala silang nakita liban kay Jesus. At sa pagbaba nila mula sa bundok, inutusan sila ni Jesus na huwag sabihin kani­numan ang pangitain hanggang ma­ibangon ang Anak ng Tao mula sa mga patay.”

No comments:

Post a Comment