Please join My Reflections' Facebook Group

Wednesday, July 08, 2020

Ang Mabuting Balita para sa Linggo Hulyo 12, Ika-15 na Linggo sa Karaniwang Panahon: Mateo 13:1-9


Mabuting Balita: Mateo 13:1-9
1 Nang araw ding iyon, umalis sa bahay si Jesus at naupo sa may dalampasigan. 2 Ngunit maraming tao ang nagtipon sa paligid niya kaya sumakay siya at naupo sa bangka samantalang nakatayo naman sa pam­pang ang mga tao. 3 At ma­rami siyang ipina­hayag sa kanila sa tulong ng mga talinhaga.

At sinabi ni Jesus: “Lumabas na ang maghahasik para maghasik. 4 Sa kanyang paghahasik, may ilang butong nahulog sa tabi ng daan. Duma­ting ang mga ibon at kinain ang mga iyon. 5 Nahulog naman ang ibang buto sa batuhan at ma­babaw ang lupa roon. Ma­daling tumubo ang mga buto dahil hindi malalim ang lupa. 6 Ngunit pagsikat ng araw, nasunog ito sa init at sapagkat wa­lang ugat, natuyo ito.  7 Na­hulog ang iba pang buto sa mga tinikan. At nang luma­go ang mga tinik, sinikil ng mga ito ang halaman. 8 Nahulog naman ang iba sa matabang lupa at namunga: nagbunga ng san­daan ang iba, anim­napu naman ang sa iba, at tatlumpu ang iba pa. 9 Ma­kinig ang may tainga!”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

No comments:

Post a Comment