Please join My Reflections' Facebook Group

Thursday, July 16, 2020

Ang Mabuting Balita para sa Linggo Hulyo 19, Ika-16 na Linggo sa Karaniwang Panahon: Mateo 13:24-30


Mabuting Balita: Mateo 13:24-30
24 Binigyan sila ni Jesus ng isa pang talinhaga. “Naihahambing ang kaha­rian ng Langit sa isang taong naghasik ng mabuting buto sa kanyang taniman. 25 At samantalang natutulog ang mga tauhan, dumating ang kaaway. Hinasikan nito ng masamang damo ang taniman ng trigo at saka umalis.

26 Nang tumubo ang mga tanim at nag­simulang mamunga ng butil,  naglitawan din ang masasamang damo. 27 Kaya lumapit sa may-ari ang mga katulong at sinabi: ‘Ginoo, di ba’t mabu­buting buto ang inihasik mo sa iyong bukid, saan galing ang mga damo?’

28 Sinagot niya sila: ‘Gawa ito ng ka­away.’ At tinanong naman nila siya: ‘Gusto mo bang bunutin namin ang mga damo?’ 29 Sinabi niya sa kanila: ‘Huwag, at baka sa pagbunot ninyo sa mga damo e mabunot pati ang trigo. 30 Hayaan ninyo na sabay silang tumubo hanggang ani­han. At doon ko sasabihin sa mga mag-aani: Bunutin muna ninyo ang mga damo, at bigkisin para sunugin; at saka kunin ang lahat ng trigo at tipunin sa aking kamalig.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

No comments:

Post a Comment