Mabuting
Balita: Mateo 9:32-38
32 Nang makaalis na ang mga ito, may nagdala naman kay Jesus ng
isang lalaking pipi na inaalihan ng demonyo. 33 Nang mapalayas niya ang
demonyo, nakapagsalita ang pipi kaya namangha ang mga tao at kanilang sinabi:
“Wala pang nangyaring ganito sa Israel.” 34 Ngunit sinabi naman ng mga
Pariseo: “Nagpapalayas siya ng demonyo sa tulong ng pinuno ng mga demonyo.”
• 35 At nilibot ni Jesus ang mga bayan at mga nayon; nagtuturo
siya sa kanilang mga sinagoga, nagpapahayag ng Mabuting Balita ng Kaharian at
nagpapagaling ng lahat ng sakit at karamdaman. 36 Nang makita niya ang
makapal na tao, naawa siya sa kanila sapagkat hirap sila at lupaypay na
parang mga tupang walang pastol. 37 At sinabi niya sa kanyang mga alagad:
“Marami nga ang aanihin at kakaunti naman ang mga manggagawa. 38 Idalangin
ninyo sa panginoon ng ani na magpadala siya ng mga manggagawa sa kanyang ani.”
Ang Mabuting
Balita ng Panginoon.
No comments:
Post a Comment