38 Sa kanilang
paglalakbay, pumasok si Jesus sa isang nayon at pinatuloy siya ng isang babaeng
nagngangalang Marta. 39 May
kapatid siyang babae na tinatawag na Maria. Naupo ito sa may paanan ng
Panginoon at nakikinig sa kanyang salita. 40 Abalang-abala
naman si Marta sa mga pagsisilbi kaya lumapit siya at sinabi: “Panginoon, hindi
mo ba napapansing pinabayaan ako ng aking kapatid na babae na magsilbing
mag-isa?
Pakisabi mo naman sa kanya na
tulungan ako.” 41 Sumagot sa
kanya ang Panginoon: “Marta, Marta, abala ka’t balisa sa maraming bagay; 42 isa lang naman ang kailangan.
Pinili nga ni Maria ang mainam na bahagi na hindi kukunin sa kanya.”
Ang Mabuting
Balita ng Panginoon.
No comments:
Post a Comment