Please join My Reflections' Facebook Group

Monday, July 27, 2020

Ang Mabuting Balita para sa Hulyo 28, Martes; Sa-17 na Linggo ng Taon: Mateo 13:36-43


Mabuting Balita: Mateo 13:36-43
36 At pinaalis ni Jesus ang mga tao at saka pumasok sa bahay. Lumapit noon sa kanya ang kanyang mga alagad at nagtanong: “Ipaliwanag mo sa amin ang talinhaga ng mga trigo sa bukid.” 37 Su­magot si Jesus: “Ang nagtanim ng ma­buting buto ay ang Anak ng Tao. 38 Ang bukid naman, ang daigdig; ang mabuting buto, ang mga tao ng Kaha­rian; at ang masasamang damo, ang mga tauhan ng demonyo. 39 Ang kaaway na naghasik sa kanila ay ang demonyo; ang pag-aani ay ang kata­pusan ng mundo, at ang mga mang­gagawa ay ang mga anghel.

40 Kung paanong tinitipon ang masa­samang damo at sinusunog sa apoy, ga­nito rin ang mangyayari sa katapusan ng mundo. 41 Ipadadala ng Anak ng Tao ang kanyang mga anghel at titipunin nila sa kanyang kaharian ang mga eskandalo at ang mga guma­gawa ng masama. 42 At itatapon ang mga ito sa nagliliyab na pugon kung saan may iyakan at pagnga­ngalit ng ngipin. 43 At pagkatapos nito, magni­ningning ang mga makatarungan tulad ng araw sa Kaharian ng kanilang Ama. Makinig ang may tainga!

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

No comments:

Post a Comment