Please join My Reflections' Facebook Group

Sunday, July 19, 2020

Ang Mabuting Balita para sa Hulyo 22, Miyerkules; Santa Maria Magdalena (Kapistahan): Juan 20:1-2, 11-18


Mabuting Balita: Juan 20:1-2, 11-18
1 Ngayon, pagkatapos ng Araw ng Pahinga, habang madilim pa, maagang pumunta sa libingan si Maria Magdalena, nang makita niyang tanggal ang bato mula sa libingan, 2 patakbo siyang pumunta kay Simon Pedro at sa isa pang alagad na mahal ni Jesus. Sinabi niya sa kanila: “May kumuha sa Pangi­noon mula sa libingan, at hindi namin alam kung saan nila siya inilagay.”

11 Nakatayo namang umiiyak sa labas si Maria sa may libingan. Sa kan­yang pag-iyak, yumuko siyang naka­tanaw sa libingan. 12 At may na­pansin siyang dalawang anghel na nakaputi na naka­upo, isa sa may ulu­nan at isa sa may paanan ng pinag­lagyan sa katawan ni Jesus.

13 Sinabi sa kanya ng mga iyon: “Ale, bakit ka umiiyak?” Sinabi niya sa ka­nila: “May kumuha sa Panginoon ko, at hindi ko alam kung saan siya inilagay.” 14 Pag­kasabi niya nito, tuma­likod siya at napan­sin niya si Jesus na nakatayo pero hindi niya nakilalang si Jesus iyon. 15 Sinabi sa kanya ni Jesus: “Ale, bakit ka umiiyak? Sino’ng hinahanap mo?” Sa pag-aakala niyang iyon ang hardinero, sinabi niya sa kanya: “Ginoo, kung kayo ang nagdala sa kanya, sabihin n’yo sa akin kung saan n’yo siya inilagay at ku­kunin ko siya.”

16 Sinabi sa kanya ni Jesus: “Maria!” Pagka­harap niya’y sinabi niya sa kanya sa Aramaiko: “Rabbouni!” (na ibig sabihi’y Guro). 17 Si­nabi sa kanya ni Jesus: “Huwag kang humawak sa akin sapagkat hindi pa ako nakaaakyat sa Ama. Puntahan mo ang mga kapa­tid ko at sabihin sa kanila: ‘Paakyat ako sa Ama ko at Ama ninyo, sa Diyos ko at Diyos ninyo.’” 18 Pumunta si Maria Magdalena na ibinabalita sa mga alagad: “Nakita ko ang Panginoon.” At sinabi niya ang mga sinabi sa kanya.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

No comments:

Post a Comment