Please join My Reflections' Facebook Group

Sunday, July 12, 2020

Ang Mabuting Balita para sa Hulyo 13 , Lunes; Ika-15 na Linggo ng Taon: Mateo 10:34-11:1


Mabuting Balita: Mateo 10:34-11:1
Sinabi ni Jesus sa labindalawa:  34 Huwag ninyong isipin na duma­ting ako para magdala ng kapa­yapaan sa lupa. Hindi kapayapaan ang dala ko kundi tabak. 35 Dumating akong taglay ang pag­hihiwalay: ng tao laban sa kanyang ama, ng anak na babae sa kanyang ina, ng ma­nugang sa kanyang biyenan. 36 At ma­giging kaaway ng bawat isa ang kan­yang mga kasam­bahay.

37 Ang mas nagmamahal sa kan­yang ama o ina kaysa akin ay hindi karapat-dapat sa akin. Ang mas nag­ma­­­mahal sa kanyang anak kaysa akin ay hindi karapat-dapat sa akin. 38 At ang hindi nag­pa­pasan ng kanyang krus at sumu­sunod sa akin ay hindi karapat-dapat sa akin. 39 Ang nagpa­pa­­halaga sa kanyang sarili ang siyang mawa­walan nito, at ang nawawalan naman ng kanyang sarili ang siyang maka­katagpo nito.

40 Kung may tumatanggap sa inyo, tinatanggap din niya ako; at kung may tumatanggap sa akin, tinatanggap din niya ang nagsugo sa akin. 41 Kung may tumanggap sa isang propeta dahil pro­peta ito, tatanggapin niya ang gantimpa­lang bagay sa isang propeta; kung may tumanggap sa isang ma­buting tao dahil marangal ito, tatang­gapin niya ang gantimpalang bagay sa isang ma­buting tao. 42 Kung may mag­painom ng malamig na tubig sa isa sa maliliit na ito dahil sa ala­­gad ko ito, sinasabi kong hindi siya mana­natiling wa­lang gantimpala.”

1 Nang matapos si Jesus sa pagtuturo sa Labindalawa niyang alagad, umalis siya roon para magturo at mangaral sa mga bayan doon.

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

No comments:

Post a Comment