Please join My Reflections' Facebook Group

Sunday, June 07, 2020

Ang Mabuting Balita para sa Hunyo 8, Lunes; Ika Sampung Linggo ng Taon: Mateo 5:1-12


Mabuting Balita: Mateo 5:1-12
Nang makita ni Jesus ang makapal na tao, umahon siya sa bundok. Naupo siya roon at lumapit sa kanya ang kanyang mga alagad. At nag­simula siyang magturo sa kanila:
“Mapapalad ang mga may diwa ng dukha sapagkat sa kanila ang Kaha­rian ng Langit.
Mapapalad ang mga nagluluksa sapagkat pagiginhawahin sila.
Mapapalad ang mga di-marahas sa­pagkat mapapasakanila ang lupain.
Mapapalad ang mga nagugutom at nauuhaw sa katarungan sapagkat bubu­sugin sila.
Mapapalad ang mga maawain sapagkat kaaawaan sila.
Mapapalad ang mga may busilak na puso sapagkat makikita nila ang Diyos.
Mapapalad ang mga nagpupun­yagi para sa kapayapaan sapagkat tatawagin silang mga anak ng Diyos.
10 Mapapalad ang mga pinag-uusig dahil sa katarungan sapagkat kanila ang Kaharian ng Langit.
11 Mapapalad kayo kung iniinsulto kayo at pinag-uusig at sinisiraang-puri dahil sa akin. 12 Magsaya kayo at maga­lak sa­pagkat malaki ang gantim­palang nasa Diyos para sa inyo. Ganito rin pinag-usig ang mga propetang nauna sa inyo.

 Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

No comments:

Post a Comment