Mabuting
Balita: Marcos 12:38-44
38 Sinabi
ni Jesus sa kanyang pagtuturo: “Mag-ingat kayo sa mga guro ng Batas na
gustong lumakad na nakabarong at batiin ng mga tao sa liwasan, 39 at
mabigyan ng pangunahing lugar o upuan sa mga handaan at sa sinagoga.
40 Nang-uubos sila ng mga bahay ng mga biyuda, at nagdarasal nang mahaba
para may idahilan. Napakatindi ng magiging hatol sa mga ito.”
Ang abuloy ng
biyuda
41 Naupo
si Jesus sa tapat ng kabang-yaman at tiningnan ang paghuhulog ng mga tao ng
pera para sa Templo. Maraming mayamang nagbigay ng malalaking halaga.
42 At may dumating na isang pobreng biyuda na naghulog ng dalawang barya.
43 Kaya
tinawag ni Jesus ang kanyang mga alagad at sinabi sa kanila: “Talagang sinasabi
ko sa inyo na pinakamahalaga sa lahat ang inihulog ng biyudang ito sa
kabang-yaman. 44 Naghulog nga ang lahat mula sa sobra nila, ngunit siya
nama’y mula sa kanyang kasalatan. Inihulog nga niya ang lahat ng nasa kanya –
ang mismong ikabubuhay niya.”
Ang Mabuting
Balita ng Panginoon.
No comments:
Post a Comment