Please join My Reflections' Facebook Group

Sunday, June 21, 2020

Ang Mabuting Balita para sa Hunyo 24, Miyerkules; Pagsilang ni San Juan Bautista: Lucas 1:57-66, 80


Mabuting Balita: Lucas 1:57-66, 80
56 Mga tatlong buwang nanatili si Ma­riang ka­sa­ma ni Elizabeth at saka nagbalik sa kanyang bahay.  57 Nang sumapit na ang panga­­nga­nak ni Elizabeth, isang anak na lalaki ang isinilang niya. 58 Na­rinig ng mga kapit­bahay at mga ka­mag-anakan niya kung gaano nagdalang-awa sa kanya ang Pa­nginoon kayat nakigalak sila sa kanya.

59 Nang ikawalong araw na, duma­­ting sila pa­ra tuliin ang sanggol at pa­nga­­­nga­lanan sana nila itong Zacarias gaya ng kanyang ama. 60 Su­magot naman ang kanyang ina: “Hindi, tatawagin siyang Juan.” 61 Pero sinabi nila sa kanya: “Wala ka na­mang ka­mag-anak na may ganyang pangalan.” 62 Kaya sumenyas sila sa ama ng sang­­gol kung ano ang gusto niyang itawag dito. 63 Humingi siya ng isang sulatan, at sa pagtataka ng lahat ay kanyang isinulat: “Juan ang pangalan niya.” 64 Noon di’y nabuksan ang kanyang bibig at nakalag ang kanyang dila. Na­ka­pagsa­lita siya at nagpuri sa Diyos.

65 Kaya namayani ang banal na pag­katakot sa kanilang mga kapitbahay. At naging usap-usapan ang lahat ng pang­ya­­yaring ito sa buong mataas na lupain ng Juda. 66 Nag-isip-isip ang mga nakarinig at nagtanungan: “Ano na kaya ang mang­yayari sa sanggol na ito?” Dahil suma­sa­kanya ngang talaga ang kamay ng Panginoon.

80 Habang lumalaki ang bata, pinatatag siya ng espiritu. Nanirahan siya sa dis¬yerto hanggang sa araw ng kanyang pagkakahayag sa Israel.

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

No comments:

Post a Comment