Please join My Reflections' Facebook Group

Tuesday, June 09, 2020

Ang Mabuting Balita para sa Hunyo 11, Huwebes; San Barnabas, apostol at martir: Mateo 10:7-13


Mabuting Balita: Mateo 10:7-13
Sinabi ni Jesus sa kanyang mga alagad, 7 Ipahayag ang mensaheng ito sa in­yong paglalakbay: ‘Palapit na ang kaha­rian ng Langit.’ 8 Pagalingin ang maysakit, buhayin ang patay, linisin ang mga may­ketong at palayasin ang mga demonyo. Tinanggap ninyo ito nang walang bayad kaya ibigay rin ninyo nang walang bayad. 9 Hu­wag magdala ng ginto, pilak o pera sa inyong mga bulsa. 10 Huwag magdala ng balutan o sobrang damit o sandal­yas o tungkod, sapagkat may kara­patan ang mang­gagawa sa kanyang ikabubuhay.

11 Pagdating ninyo sa isang bayan o baryo, maghanap ng isang taong karapat-dapat at makituloy sa kanya hanggang sa inyong pag-alis. 12 Pagpasok ninyo sa isang tahanan, dasalan ito ng kapayapaan. 13 Kung kara­pat-dapat ang sambahayang ito, sasa­kanila ang kapayapaang dinasal ninyo; kung hindi naman karapat-dapat, babalik sa inyo ang inyong dasal.

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

No comments:

Post a Comment