Please join My Reflections' Facebook Group

Tuesday, June 30, 2020

Ang Mabuting Balita para sa Hulyo 3, Biyernes; Santo Tomas, apostol (kapistahan): Juan 20:24-29


Mabuting Balita: Juan 20:24-29
24 Hindi nila kasama si Tomas na tina­guriang Kambal, na isa sa Labin­dalawa, nang du­mating si Jesus. 25 Kaya sinabi sa kanya ng iba pang mga alagad: “Nakita namin ang Pangi­noon!” Sinabi naman niya: “Maliban lamang na ma­kita sa kanyang mga kamay ang tatak ng mga pako at maipasok ang aking daliri sa pinag­lagusan ng mga pako at maipasok ang aking kamay sa tagiliran niya, hinding-hindi ako mani­niwala!”

26 Makaraan ang walong araw, mu­ling nasa loob ang kanyang mga ala­gad at kasa­ma nila si Tomas. Dumating si Jesus ha­bang nakasara ang mga pinto at puma­gitna. At sinabi niya: “Kapa­yapaan sa inyo!” 27 At sinabi niya kay Tomas: “Ilapit mo rito ang daliri mo at tingnan ang aking mga kamay. At ilapit ang kamay mo at ipasok sa aking tagiliran at huwag tumangging maniwala kundi ma­niwala!”

28 Sumagot si Tomas sa kanya: “Pangi­noon ko at Diyos ko – ikaw!” 29 Sinabi sa kanya ni Jesus: “Dahil ba sa nakita mo ako kaya ka naniniwala? Mapapalad ang mga hindi nakakita at naniniwala.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

No comments:

Post a Comment