Please join My Reflections' Facebook Group

Monday, May 11, 2020

Ang Mabuting Balita para sa Mayo 13, Miyerkules sa Ikalimang Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay: Juan 15:1-8


Mabuting Balita: Juan 15:1-8
Sinabi ni Jesus sa kanyang mga alagad: 1 “Ako siyang totoong puno ng ubas at ang Ama ko ang mag-sasaka. 2 Pinuputol niya ang bawat sangang di namumunga sa akin; at pinupungusan naman niya’t nililinisan ang bawat namumunga upang higit pang mamunga. 3 Ngayon malinis na kayo dahil sa salitang binigkas ko sa inyo. 4 Mamalagi kayo sa akin, at ako sa inyo.

Hindi makapamumunga ang sanga sa ganang sarili, malibang mamalagi ito sa puno ng ubas; gayundin naman kayo, malibang mamalagi kayo sa akin. 5 Ako siyang puno ng ubas, kayo ang mga sanga. Ang namamalagi sa akin at ako sa kanya, siya ang namumunga nang sagana pagkat hiwalay sa aki’y hindi kayo makagagawa ng anuman. 6 Kung hindi namamalagi sa akin ang sinuman, ihahagis siya sa labas gaya ng sangang natuyo na tini¬tipon at ginagatong sa apoy at nagli¬liyab.

7 Kung mamamalagi kayo sa akin at mamamalagi sa inyo ang mga pananalita ko, hingin ninyo ang anumang loobin n’yo at magkakagayon sa inyo. 8 Sa ganito parangalan ang aking Ama: kapag namunga kayo nang sagana at naging mga alagad ko.

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

No comments:

Post a Comment