Please join My Reflections' Facebook Group

Thursday, April 30, 2020

Ang Mabuting Balita para sa Linggo Mayo 3, Ikaapat na Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay: Juan 10:1-10



Mabuting Balita: Juan 10:1-10
 Sinabi ni Jesus 1 “Talagang-talagang sinasabi ko sa inyo, magnanakaw at tulisan ang hindi dumaraan sa pintuan pagpasok sa kulungan ng mga tupa kundi lumukso sa ibang dako. 2 Ang pastol ng mga tupa ang pumapasok sa pintuan.

3 Pinagbu­buksan siya ng bantay-pinto, at naki­kinig ang mga tupa sa kanyang tinig. At tina­tawag niya sa pangalan ang sarili niyang mga tupa at inaakay palabas. 4 Kapag napalabas na niya ang tanang kanya, sa harap nila siya nagla­lakad at sa kanya sumusunod ang mga tupa, pagkat kilala nila ang kanyang tinig.

5 Hinding-hindi sila susunod sa dayu­han kundi lalayuan nila ito sapag­kat hindi nila kilala ang tinig ng mga dayuhan.” 6 Ito ang talinhagang sinabi ni Jesus sa kanila. Ngunit hindi nila naintindihan ang gusto niyang sabihin sa kanila. 7 Kaya sinabi uli ni Jesus: “Tala­gang-talagang sinasabi ko sa inyo: Ako siyang pintuan ng mga tupa. 8 Magna­nakaw at tulisan ang lahat ng nauna sa akin.

Ngunit hindi sila pina­kinggan ng mga tupa. 9 Ako siyang pintuan; kung may pumapasok sa pamamagitan ko, maliligtas siya, at papasok at lalabas, at maka­katagpo ng pastulan. 10 Hindi dumarating ang magna­nakaw kundi para lamang magnakaw, pumaslang at magpa­hamak. Dumating naman ako upang magkaroon sila ng buhay at lubos na magkaroon nito.

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

No comments:

Post a Comment