Please join My Reflections' Facebook Group

Tuesday, April 07, 2020

Ang Mabuting Balita para sa Abril 8, Miyerkules Santo: Mateo 26:14-25


Mabuting Balita: Mateo 26:14-25
14 Pumunta sa mga punong-pari ang isa sa Labindalawa, ang tinatawag na Judas Iskariote, at sinabi: 15 “Mag­kano ang ibibigay ninyo sa akin kung ibibigay ko siya sa inyo?” Inalok nila ito ng tat­lumpung baryang pilak, 16 at mula noon, naghanap ito ng pag­kakataong maipag­kanulo siya.

17 Sa unang araw ng Piyesta ng Tinapay na Walang Leba­dura, lumapit kay Jesus ang mga alagad at sinabi sa kanya: “Saan mo kami gustong maghanda ng Hapunang Pam­pas­kuwa para sa iyo?” 18 Sumagot si Jesus: “Puntahan ninyo ang lalaking ito sa lunsod at sabihin sa kanya: ‘Sinasabi ng Guro: malapit na ang oras ko at sa bahay mo ako magdiriwang ng Paskuwa kasama ng aking mga alagad’.”

19 At ginawa ng mga alagad ang lahat ng iniutos ni Jesus at inihanda ang Pas­kuwa. 20 Pagkalubog ng araw, nasa hapag si Jesus kasama ng Labindalawa. 21 Ha­bang kumakain sila, sinabi ni Jesus: “Talagang sinasabi ko sa inyo: ipagka­kanulo ako ng isa sa inyo.” 22 Lubha silang nalungkot at nagta­nong ang bawat isa: “Ako ba, Panginoon?”

23 Sumagot siya: “Ang kasabay kong nagsawsaw ng tinapay sa plato ang magkakanulo sa akin. 24 Pa­tuloy sa kan­yang daan ang Anak ng Tao ayon sa isi­nulat tungkol sa kanya ngunit kawawa ang nagkakanulo sa Anak ng Tao; mas mabuti pa para sa taong ito kung hindi na siya ipinanganak pa.” 25 Nagtanong din si Judas na magka­ka­nulo sa kanya: “Ako ba, Guro?” Sumagot si Jesus: “Ikaw na ang nag­sabi.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

No comments:

Post a Comment