Please join My Reflections' Facebook Group

Sunday, March 08, 2020

Ang Mabuting Balita para sa Miyerkules Marso 11, Ikalawang Linggo ng Kuwaresma: Mateo 20:17-28


Mabuting Balita: Mateo 20:17-28
17 Nang umakyat si Jesus sa Jerusalem, isinama niya ang Labindalawa, at habang nasa daan ay sinabi niya sa kanila: 18 “Papunta na tayo sa Jerusalem. Doon ibibigay ang Anak ng Tao sa mga punong-pari at mga guro ng Batas na maghahatol sa kanya ng kama­tayan. 19 Kaya ibibigay nila siya sa mga pagano para pagtawanan, hagupitin at ipako sa krus. Ngunit babangon siya sa ikatlong araw.”

• 20 Lumapit noon kay Jesus ang ina nina Jaime at Juan kasama ng dalawa niyang anak, at lumuhod sa harap niya para makiusap. 21 Tinanong siya ni Jesus: “Ano ang ibig mo?” At sumagot siya: “Narito ang dalawa kong anak. Iutos mong maupo ang isa sa iyong kanan at ang isa naman sa iyong kaliwa sa iyong Kaharian.”

22 Sinabi ni Jesus sa magkapatid: “Hindi ninyo nalalaman ang inyong hinihingi. Ma­iinom ba ninyo ang kalis na iinumin ko?” Sumagot sila: “Kaya namin.” 23 Suma­got si Jesus: “Totoong iinom din kayo sa aking kalis, ngunit wala sa akin ang pag­papaupo sa aking kanan o kaliwa. Para sa mga hinirang ng Ama ang mga lugar na iyon.”

24 Nang marinig ito ng sampu, nagalit sila sa magka­patid. 25 Kaya tinawag sila ni Jesus at sinabi: “Alam ninyo na sinusupil ng mga naghahari ang kani­lang mga bansa at inaapi ng mga nasa kapang­yarihan. 26 Hindi naman ganito sa inyo: ang may gus­tong maging dakila, siya ang maging lingkod ninyo; 27 ang may gustong mauna sa inyo, siya ang maging alipin ninyo. 28 Gayun­din naman, duma­ting ang Anak ng Tao hindi para pag­ling­kuran kundi para mag­lingkod at ibigay ang kanyang buhay bilang pantubos sa marami.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

No comments:

Post a Comment