Please join My Reflections' Facebook Group

Thursday, March 26, 2020

Ang Mabuting Balita para sa Lunes Marso 30, Ikalimang Linggo ng Kuwaresma Juan 8:1-11


Mabuting Balita: Juan 8:1-11
Pumunta naman si Jesus sa Bundok ng mga Olibo. Maaga siyang muli sa Templo, at naglapitan sa kanya ang lahat ng tao, at pagkaupo niya’y, na­ngaral siya sa kanila. Dinala naman ng mga guro ng Batas at ng mga Pariseo ang isang babaeng huling-huli sa pakikiapid.

Pinatayo nila siya sa gitna, at sinabi nila kay Jesus: "Guro, huling-huli sa akto ang baba­eng ito na nakikiapid. Iniutos sa amin ni Moises sa Batas na batuhin ang ganitong mga babae; ano naman ang sabi mo?” Sinabi nila ito bilang pag­subok sa kanya upang may maiparatang sila sa kanya.

Yumuko naman si Jesus at nagsulat sa lupa sa pamamagitan ng kanyang daliri. Nang magpatuloy sila sa pag­tatanong sa kanya, tumindig siya at sinabi sa kanila: “Ang walang sala sa inyo ang unang bu­mato sa kanya.”At muli siyang yu­muko at nagsulat sa lupa.

Ang mga nakarinig nama’y isa-isang nag-alisan mula sa matatanda, at naiwan siyang mag-isa pati ang babae na nasa gitna. 10 Tumindig si Jesus, at sinabi sa kanya, “Babae, nasaan sila? Wala bang humatol sa iyo?” 11 At sinabi niya: “Wala, Panginoon.” Sinabi ni Jesus: “Hindi rin kita hahatulan. Hu­mayo ka at mula ngayo’y, huwag nang magkasala pa.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

No comments:

Post a Comment