Please join My Reflections' Facebook Group

Tuesday, March 03, 2020

Ang Mabuting Balita para sa Linggo Marso 8, Ikalawang Linggo ng Kuwaresma: Mateo 17:1-9


Mabuting Balita: Mateo 17:1-9
1 Isinama ni Jesus sina Pedro, Jaime at ang kapatid nitong si Juan, at umakyat na sila lamang ang kasama sa isang mataas na bundok. 2 Nagbago ang anyo ni Jesus sa harap nila: nag­ning­ning gaya ng araw ang kanyang mukha at kuminang na puting-puti ang kanyang damit gaya ng liwanag. 3 At napa­kita sa kanila sina Moises at Elias na nakikipag-usap kay Jesus.

4 Kaya nagsalita si Pedro at sinabi niya: “Panginoon, mabuti at narito tayo. Kung gusto mo, gagawa ako ng tatlong kubol: isa para sa iyo, isa para kay Moises, at isa para kay Elias.” 5 Nagsasalita pa si Pedro nang takpan sila ng isang makinang na ulap. At mula sa ulap ay narinig ang salitang ito: “Ito ang aking Anak, ang Mina­mahal, ang aking Hinirang; pakinggan ninyo siya.”

6 Nang marinig iyon ng mga alagad, napasubsob sila sa lupa, na takot na takot. 7 Ngunit nilapitan sila ni Jesus at hinipo, at sinabi: “Tumayo kayo, huwag matakot.” 8 At pagtingala nila, wala silang nakita liban kay Jesus. 9 At sa pagbaba nila mula sa bundok, inutusan sila ni Jesus na huwag sabihin kani­numan ang pangitain hanggang ma­ibangon ang Anak ng Tao mula sa mga patay.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

No comments:

Post a Comment