Please join My Reflections' Facebook Group

Tuesday, February 04, 2020

Ang Mabuting Balita para sa Miyerkules Pebrero 5, Santa Agata, dalaga at martir: Marcos 6:1-6


Mabuting Balita: Marcos 6:1-6
1Pagkaalis ni Jesus sa lugar na iyon, pumunta siya sa kanyang bayan, kasama ng kanyang mga alagad. 2 Nang sumapit ang Araw ng Pahinga, nagsimula siyang magturo sa sinagoga. Namangha silang lahat at nagsabi: “Ano’t nangyari sa kanya ang lahat ng ito? Saan kaya galing ang karunu­ngang ito na ipi­nagkaloob sa kanya, at saan din kaya galing ang mga himalang ito na nagagawa ng kanyang mga kamay? Di ba’t siya ang karpintero? Ang anak ni Maria at kapatid nina Jaime, Jose, Simon at Judas? Hindi ba’t narito sa piling natin ang lahat niyang kapatid na babae?” At bulag sila tungkol sa kanya.

4 Sinabi naman sa kanila ni Jesus: “Sa kanyang sariling bayan lamang, sa sari­ling kamag-anakan at sambahayan hinahamak ang isang propeta.” 5 At hindi niya nakayang gumawa ng himala roon. Ilang may­sakit lamang ang pinaga­ling niya sa pag­papatong ng kamay. 6  At namang­ha siya sa kawalan nila ng pa­niniwala.

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

No comments:

Post a Comment