Mabuting
Balita: Marcos 9:14-29
14 Pagbalik nila Jesus, Pedro, Jaime at Juan sa mga alagad, nakita nila ang napakaraming tao na
nakapalibot sa mga ito at nakikipagtalo naman sa kanila ang mga guro ng
Batas. 15 Namangha ang lahat pagkakita sa kanila, at tumakbo sila para
batiin siya.
16 Itinanong naman niya sa kanila: “Bakit kayo nakikipagtalo sa mga
ito?” 17 At sinagot siya ng isang lalaki mula sa mga tao: “Guro, dinala
ko sa iyo ang aking anak na lalaki na inaalihan ng isang piping espiritu.
18 At kung hinahagip siya nito, inilulugmok siya sa lupa; nagbubula ang
kanyang bibig, nagngangalit ang mga ngipin at naninigas. Hiningi ko sa iyong
mga alagad na palayasin ito pero hindi nila kaya.”
19 Sumagot si Jesus: “Mga walang pananampalataya! Gaano pa
katagal akong mananatili sa piling ninyo? Hanggang kailan ako magtitiis sa
inyo? Dalhin siya rito sa akin.”
• 20 At pinalapit nila siya kay Jesus. Pagkakita sa kanya ng
espiritu, pinangatog nito ang bata at inilugmok sa lupa kaya nagpagulung-gulong
siya at bumubula ang bibig. 21 Tinanong naman ni Jesus ang ama: “Gaano
na katagal na nangyayari ito sa kanya?” 22 At sumagot ang ama: “Mula pa
sa pagkabata at madalas nga siyang inihahagis sa apoy o sa batis para
patayin. Ngunit kung kaya mo, maawa ka sa amin at pakitulungan kami.”
23 Sinagot siya ni Jesus: “Ano itong ‘kung kaya mo’? Lahat ay
posible sa sumasampalataya.” 24 At agad na sumigaw ang ama ng bata sa
pagsasabing “Sumasampalataya ako pero tulungan mo ang maliit kong pananampalataya.”
25 Nakita ni Jesus na nagsisitakbo at lumalapit na ang mga tao
kaya iniutos niya sa masamang espiritu: “Pipi at binging espiritu, inuutusan
kitang lumabas sa kanya at huwag nang bumalik.”
26 Nagsisigaw ang espiritu at inilugmok ang bata sa lupa bago lumabas.
At animo’y patay ang bata kaya marami ang nagsabing “Namatay.” 27 Ngunit
pagkahawak ni Jesus sa kamay nito, pinabangon niya ito at pinatindig.
28 Pagkapasok ni Jesus sa bahay, tinanong siya ng mga alagad nang
sarilinan: “Bakit hindi namin napalayas ang espiritu?” 29 Sinabi ni Jesus
sa kanila: “Sa panalangin lamang mapalalayas ang ganitong klaseng espiritu.”
Ang Mabuting
Balita ng Panginoon.
No comments:
Post a Comment