Mabuting
Balita: Marcos 16:15-18
15 Sinabi ni Jesus sa kanila: “Pumunta kayo sa buong daigdig at
ipahayag ang ebanghelyo sa buong sangkinapal. 16 Maliligtas ang
maniniwala at magpapabinyag; hahatulan naman ang di maniniwala. 17 At
ito ang mga tandang sasama sa mga maniniwala: magpapalayas sila ng mga demonyo
sa aking Pangalan, magsasalita sila sa iba pang mga wika, 18 hahawakan
nila ang mga ahas, at di sila maaano kung iinom man sila ng may lason. Ipapatong
nila ang kanilang kamay sa mga maysakit at gagaling ang mga iyon.”
Ang Mabuting
Balita ng Panginoon.
No comments:
Post a Comment