Please join My Reflections' Facebook Group

Thursday, January 02, 2020

Ang Mabuting Balita para sa Enero 9, Huwebes Pagkaraan ng Epifania: Lucas 4:14-22



Mabuting Balita: Lucas 4:14-22
14 Nagbalik si Jesus sa Galilea na taglay ang kapangyarihan ng Espiritu at lumaganap sa buong kapaligiran ang balita tungkol sa kanya. 15 Kina­ugalian niyang magturo sa kanilang mga sinagoga, at pinupuri siya ng lahat.

• 16 Pagdating niya sa Nazaret, kung saan siya lumaki, pumasok siya sa sinagoga sa Araw ng Pahinga ayon sa kanyang kinaugalian. Tumindig siya para bumasa ng Kasulatan, 17 at iniabot sa kanya ang aklat ni Propeta Isaias.

Sa paglaladlad niya sa rolyo, natag­puan niya ang lugar kung saan nasu­sulat: 18 “Sumasaakin ang Espiritu ng Pangi-noon kayat pinahiran niya ako upang ihatid ang mabuting balita sa mga dukha. Sinugo niya ako upang ipahayag ang paglaya sa mga bilang­go, sa mga bulag ang pagkabawi ng pa­ni­ngin, upang bigyang-ginhawa ang mga api, 19 at ipahayag ang taon ng kabutihang-loob ng Panginoon.”

20 Binilot ni Jesus ang aklat, ibinigay ito sa tagapaglingkod at naupo. At naka­tuon sa kanya ang mga mata ng lahat ng nasa sina­goga. 21 Sinimulan niyang magsalita sa ka­nila: “Isinaka­tuparan ang Kasula­tang ito ngayon ha­bang naki­kinig kayo.” 22 At sumang-ayon silang lahat sa kanya habang nagtataka sa gayong pagpapahayag ng kabutihang-loob ng Diyos na nangga­ling sa kanyang bibig. At sinabi nila: “Hindi ba’t ito ang anak ni Jose?”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

No comments:

Post a Comment