Mabuting
Balita: Marcos 6:34-44
34 Pagdating ni Jesus sa pampang, nakita niya ang maraming taong
nagkakatipon doon at naawa siya sa kanila sapagkat para silang mga tupang walang
pastol. At nagsimula siyang magturo sa kanila nang matagal. 35 Nang
humahapon na, lumapit sa kanya ang mga alagad at sinabi: “Nasa ilang na lugar
tayo at lampas na ang oras.” 36 Paalisin mo sila nang makapunta sila sa
mga nayon at bukid sa paligid at makabili ng kani-kanilang makakain.”
37 Ngunit sumagot si Jesus sa kanila: “Kayo ang magbigay sa kanila
ng makakain.” Sinabi naman nila: “At kami pa pala ang bibili ng tinapay –
dalawandaang denaryo, di ba? At bibigyan namin sila.” 38 Ngunit sinabi
niya: “Ilang tinapay meron kayo? Sige, tingnan ninyo.” At pagkatingin nila ay
kanilang sinabi: “Lima at may dalawa pang isda.”
39 Kaya iniutos niya sa kanila na paupuin nang grupu-grupo ang ma-kapal
na tao sa berdeng damuhan. 40 At naupo silang grupu-grupo, tigsasandaan at
tiglilimampu. 41 Kinuha niya ang limang tinapay at dalawang isda, tumingala
sa langit, nagpuri, hinati ang mga tinapay at ibinigay sa kanyang mga alagad
para ibigay din nila sa mga tao. Gayundin naman, hinati niya ang dalawang
isda. 42 At kumain silang lahat at nabusog, 43 at inipon nila ang mga
natirang pira-piraso – labindalawang punong basket ang mga piraso ng tinapay
pati na ang mga piraso ng isda. 44 Mga limanlibong lalaki ang napakain.
Ang Mabuting
Balita ng Panginoon.
No comments:
Post a Comment