Mabuting Balita: Mateo 9:35–10:1,
5A, 6-8 35 At nilibot ni Jesus ang mga bayan at mga nayon; nagtuturo siya
sa kanilang mga sinagoga, nagpapahayag ng Mabuting Balita ng Kaharian at
nagpapagaling ng lahat ng sakit at karamdaman. 36 Nang makita niya ang
makapal na tao, naawa siya sa kanila sapagkat hirap sila at lupaypay na
parang mga tupang walang pastol. 37 At sinabi niya sa kanyang mga alagad:
“Marami nga ang aanihin at kakaunti naman ang mga manggagawa. 38 Idalangin
ninyo sa panginoon ng ani na magpadala siya ng mga manggagawa sa kanyang ani.” Ang
labindalawang apostol
10: 1 Tinawag ni Jesus ang labindalawa niyang alagad at binigyan
sila ng kapangyarihan sa maruruming
espiritu para palayasin ang mga ito at pagalingin ang lahat ng sakit at
karamdaman. Sinugo ni Jesus ang labindalawang ito at pinagbilinan: 6 Hanapin
ninyo ang nawawalang tupa ng sambayanan ng Israel.
7 Ipahayag ang mensaheng ito sa inyong paglalakbay: ‘Palapit na ang
kaharian ng Langit.’ 8 Pagalingin ang maysakit, buhayin ang patay, linisin ang
mga may ketong at palayasin ang mga demonyo. Tinanggap ninyo ito nang walang
bayad kaya ibigay rin ninyo nang walang bayad.
Ang Mabuting
Balita ng Panginoon.
No comments:
Post a Comment