Mabuting
Balita: Lucas
18:1-8
1 Dapat laging manalangin at huwag masiraan ng loob – ito ang
sinabi ni Jesus sa kanila sa isang talinhaga. 2 Sinabi niya: “Sa isang
lunsod, may isang hukom na walang takot sa Diyos at walang pakialam sa mga tao.
3 May isa ring biyuda sa lunsod na iyon na madalas pumunta sa kanya at
sinasabi: ‘Igawad mo sa akin ang katarungan laban sa aking kalaban.’ 4 Matagal
siyang umayaw pero naisip niya pagkatapos: ‘Wala man akong takot sa Diyos at
walang pakialam sa tao, 5 igagawad ko pa rin ang katarungan sa biyudang
ito na bumubuwisit sa akin at baka masiraan pa ako ng ulo sa pagpunta-punta
niya’.”
6 Kaya idinagdag ng Panginoon: “Pakinggan ninyo ang sinabi ng
di-matuwid na hukom. 7 Di ba’t igagawad ng Diyos ang katarungan sa kanyang
mga hinirang na araw-gabing tumatawag sa kanya? Pababayaan ba niya sila? 8 Sinasabi
ko sa inyo, agad niyang igagawad sa kanila ang katarungan. Ngunit pag dating
ng Anak ng Tao, makakakita kaya siya ng pananampalataya sa lupa?”
Ang Mabuting Balita ng Panginoon.
No comments:
Post a Comment