Mabuting
Balita: Lucas
17:26-37
Sinabi ni Jesus sa kanyang mga alagad 26 Tulad ng nangyari sa
panahon ni Noe, gayundin sa mga araw ng Anak ng Tao. 27 Kumakain sila at
umiinom, nag-aasawa ang mga lalaki at mga babae, hanggang sa araw na pumasok
si Noe sa daong at dumating ang Baha na pumuksa sa lahat. 28 Tulad sa
panahon ni Lot: kumakain sila at umiinom, nagtitinda at namimili, nagtatanim
at nagtatayo. 29 At nang lumabas si Lot mula sa Sodom, nagpaulan ang
Diyos mula sa langit ng apoy at asupre na pumuksa sa lahat. 30 Ganito rin
sa araw na ibubunyag ang Anak ng Tao.
31 Sa araw na iyon, huwag nang bumaba pa sa bahay ang nasa terasa
para kunin ang kanyang mga gamit at huwag nang umuwi pa ang nasa bukid. 32 Alalahanin
ninyo ang asawa ni Lot. 33Ang sinumang magsikap na magligtas ng sarili ay
mawawalan nito, at ang mawawalan naman ng sarili ang magsisilang nito sa
buhay.
34 Sinasabi ko sa inyo: kung may dalawa sa isang higaan sa gabing
iyon, dadalhin ang isa at iiwan ang isa pa; 35 kung may dalawang babaeng
magkasamang gumigiling, dadalhin ang isa at iiwan ang isa pa.” 37 At
itinanong naman nila: “Saan, Panginoon?” Sumagot siya. “Kung nasaan ang
katawan, doon nagtitipon ang mga buwitre.”
Ang Mabuting Balita ng Panginoon.
No comments:
Post a Comment